Chic-Boy

Chic Boy

Labor Day. Walang pasok. Sa dami ng ginagawa ko sa office, gusto ko magpahinga sa mga araw na legal ang pahinga. Pero dahil sa init (nasamahan pa ng kulit ng girlfriend ko), napilitan akong pumunta sa mall at magpalamig. Ang usapan namin ni girlfriend, dapat mag-ha-halo halo lang kami. Pero dahil ang tanging kain ko nung araw na yun ay alas-10 pa ng umaga at alas-4 na ng hapon nung oras na yun, kumain na lang din ako ng lechon manok sa Chic-Boy. Syempre, tulad ng Mang Inasal, unlimited rice.

Chic-Boy ang pangalan ng nasabing restaurant dahil sa pinagsamang “chicken” at “baboy”. Hindi literal na magkasama yung manok at baboy pero yun yung mga varieties na binebenta nila. May mga naririnig ako na isa lang daw yung owner ng Mang Inasal (ngayo’y under ng Jolibee Corporation) at Chic-Boy. Ang reaksyon ko, “Hindi kaya conflict of interest yung ganun? Baka makasuhan ng Jolibee yung may-ari.” Pero pagkatapos ng mahaba-habang pagtatanong sa kaibigan kong itago natin sa pangalang “Google”, nalaman ko na si Francis Juan ang may ari ng Chic-Boy habang si Edgar Sia II ang may ari ng Mang Inasal. At dahil halos pareho ang ino-offer nila, di magkakalayo ang paghambingin sila.

Nung oorder na ako sa Chic-Boy, napansin ko lang na ang hirap intindihin nung malaking menu sa likod ng counter. Parang ang gulo ng pagkaka-design nung menu na yun. Nasamahan pa ng pagiging colorful. Sa kabutihang palad, naintindihan ko naman. Halos isang minuto nga lang nag-process utak ko sa pag-intindi nun.

Kapuna-punang may inasal at lechon ang Chic-Boy samantalang ang Mang Inasal ay halos inasal lang. Sa madaling salita, mas maraming varieties sa Chic-Boy kaysa Mang Inasal. At least mapa-practice ang ‘yong freedom of choice. Ang kanin, pareho lang sa Mang Inasal. Pero ang sabaw, mas ok sa akin yung sa Chic-Boy. Di siya kasing asim kumpara sa Mang Inasal.

Ang service, satisfactory naman. Di sila mabilis kumilos, di din mabagal, pero accurate naman. Slowly but surely ika nga. Pero depende siguro yan sa branch. Ang branch nga pala na pinagkainan namin ay sa Lifehomes, Pasig.

Pagtapos ng meal namin, hinanda na yung halo halong sinadya talaga namin dun. And guess what. Sulit ang pag-alis ko sa bahay para ipagpalit ang aking pahinga para sa panandaliang ginhawa laban sa sobrang init na panahon. Ang halo halo, simple lang, tradisyunal. Pero yun na yung isa sa mga pinaka-masarap na halo halong natikman ko, kung di pinaka-masarap.

Advertisements

About xianvalencia

Web Programmer at http://pep.ph/

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: